Impormasyon Tungkol sa mga Pederal na Buwis

 

Maaaring mahirap maunawaan ang impormasyon tungkol sa buwis sa anumang wika. Lalong mas mahirap itong maunawaan kung ang impormasyon ay hindi ipinagkakaloob sa mas ninanais mong wika.

Gumagawa kami upang ipagkaloob ang aming mga mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa buwis sa marami pang wika. Samantala, nilikha namin ang gabay na ito upang matulungan kang mahanap ang impormasyong kailangan mo upang mabayaran ang iyong mga buwis at mag-file ng pederal na tax return.

Ang karamihan sa mga link sa pahinang ito ay maghahatid sa iyo sa Ingles na nilalaman.

Sa pahinang ito, mahahanap mo ang impormasyon sa mga paksang ito:

Ang Iyong mga Karapatan Bilang Isang Nagbabayad ng Buwis

Ang bawat nagbabayad ng buwis ay may mga pangunahing karapatang dapat nilang malaman sa tuwing nakikitungo sa IRS. Upang matulungan ang mga nagbabayad ng buwis na nakikipagtalastasan sa IRS na maunawaan ang kanilang mga karapatan, ibinabalangkas ng ahensya ang mga ito sa Publikasyon 1, Ang Iyong mga Karapatan Bilang Isang Nagbabayad ng Buwis PDF.

Sino ang Kailangang Mag-file

Ang karamihan sa mga mamamayan ng U.S. at ang karamihan sa mga taong nagtatrabaho sa Estados Unidos ay kailangang bayaran ang mga buwis mula sa kanilang kinitang mataas sa itinakdang pinakamababang halaga. Kahit na mas maliit sa pinakamababa ang iyong kinikita, maaaring kailanganin mong i-file ang iyong mga buwis. Upang malaman kung ikaw ay dapat o hindi dapat mag-file ng tax return, tingnan ang Kailangan Ko Bang Mag-file ng Tax Return (sa Ingles).

Mga Empleyadong Tumatanggap ng Porma W-2

Kung sumusuweldo ka sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa isang negosyo, dapat kang bigyan ng iyong employer ng Porma W-2, Wage ang Tax Statement (Pahayag ng Sahod at Buwis), na nagpapakita ng iyong kabuuang kita at withholding. Kung natanggap mo ang Porma W-12, maaaring kailanganin mong mag-file ng tax return dahil nagbayad na sa ngalan mo ang iyong employer, at maaaring mas kaunti ang dapat mong bayarang buwis kaysa sa binayaran mo.

Mga Manggagawang Gig Economy

Ang mga manggagawang gig economy ay kumikita sa pamamagitan ng pagkakaloob ng hiniling na trabaho, serbisyo o mga kalakal, na kadalasan sa pamamagitan ng digital na platform gaya ng isang app o website. Dapat kang magbayad ng buwis mula sa iyong kinita mula sa ganitong uri ng trabaho. Ang Tanggapan para sa Buwis sa Gig Economy (sa Ingles) ay magbibigay sa iyo ng impormasyong kailangan mo upang sumunod sa mga batas sa buwis.

Self-Employed (May Sariling Hanapbuhay)

Ikaw ay self-employed (sa Ingles) kung ang alinman sa mga sumusunod ay naaangkop sa iyo:

  • Isinasagawa mo ang propesyon o negosyo bilang nag-iisang may-ari o isang independiyenteng kontratista

  • Miyembro ka ng isang sosyohan na nagsasagawa ng propesyon o negosyo

  • Nasa negosyo ka para sa iyong sarili (kabilang ang isang part-time na negosyo)

Kung ikaw ay self-employed, kailangan mong bayaran ang income tax (buwis sa kita), kaya karaniwan ay kailangan mong mag-file ng taunang tax return at bayaran ang tinantiyang buwis (sa Ingles) kada tatlong buwan.

Karaniwan, kailangan mo ring magbayad ng buwis para sa may sariling hanapbuhay (sa Ingles). Ito ang buwis na pangunahing para sa social security (panlipunang seguridad) at Medicare para sa mga taong nagtatrabaho para sa kanilang mga sarili. Ang iyong mga binabayarang self-employment tax ay napupunta sa iyong saklaw sa ilalim ng sistemang Social Security. Ang coverage na Social Security ay nagbibigay sa iyo ng mga benepisyo sa pagreretiro, benepisyo sa kapansanan, benepisyo mula sa nayumaong asawa o magulang, at benepisyo ng medikal na seguro (Medicare).

Mga May-ari ng Negosyo

Ang aming Tanggapan para sa Buwis para sa Maliit na Negosyo at May Sariling Hanapbuhay (sa Ingles) ay nagkakaloob ng impormasyon sa buwis para sa mga nagbabayad ng buwis na nag-file ng Porma 1040 o 1040 SR, Mga Schedule C, E, F o Porma 2106, pati na rin ang maliliit na negosyong may mga asset na wala pang $10 milyon.

Magbayad Ka ng Buwis sa Tuwing Ikaw ay Kumikita

Dapat bayaran ang pederal na buwis sa kita habang ikaw ay kumikita o tumatanggap ng kita sa buong taon, sa pamamagitan ng withholding (sa Ingles) o mga tinantiyang babayarang buwis (sa Ingles). Kung hindi ka nagbabayad ng sapat na buwis sa pamamagitan ng withholding o mga estimated tax payment, maaari kang masingilan ng multa.

Tax Withholding

Kung ikaw ay isang empleyado, maaaring kinukuha ng iyong employer ang buwis sa kita mula sa iyong suweldo at ibinabayad ito sa IRS sa pangalan mo.

Ang halaga ng buwis na kinukuha ng iyong employer mula sa iyong regular na suweldo ay nakadepende sa:

  • Halaga ng iyong kita

  • Impormasyong ibinibigay mo sa iyong employer sa Porma W-4, ang Sertipiko ng Withholding ng Empleyado

Gamitin ang aming Tagapagtantiya ng Tax Withholding (sa Ingles) upang malaman ang iyong withholding at masigurong sapat ang kinuha sa iyo upang mabayaran ang iyong buwis.

Mga Tinantiyang Buwis

Kung ikaw mismo ang nagnenegosyo, karaniwang kailangan mong magbayad ng tinantiyang buwis.

Maaari mo ring kailanganing bayaran ang tinantiyang buwis kung inaasahan mong kailangan mong magbayad ng $1,000 o higit pa kapag nag-file ka. Maaaring mangyari ito kung ikaw ang solong may-ari ng negosyo o kasosyo sa isang negosyo, o kung ikaw ay isang manggagawa sa gig economy.

Maaari kang masingilan ng multa kung nahuli ang iyong mga pagbabayad ng tinantiyang buwis, kahit na dapat kang mabigyan ng refund sa panahong nag-file ka ng iyong tax return.

Pag-file para sa Iyo at sa Iyong Pamilya

Kunin ang impormasyon sa kung paano mag-file ng indibidwal na tax return (sa Ingles) para sa iyo at sa iyong pamilya.

Kailan Magpa-file

Ang pinakakaraniwang itinakdang huling petsa sa pag-file at pagbabayad ng buwis para sa mga indibidwal at mga pamilya ay sa Abril 15. Tingnan ang aming pahina sa Kailan Magpa-file (sa Ingles) para sa impormasyon tungkol sa mga eksepsyon at pagpapalawig ng huling petsa ng pag-file.

Ang Kailangan Mo Para Mag-file

Taxpayer Identification Number

Ang numero ng pagtukoy sa nagbabayad ng buwis ay iniaatas sa lahat ng iyong dokumentong may kinalaman sa buwis.

Karamihan sa mga taxpayer identification number ay ang mga numero ng Social Security.

Kung hindi ka karapat-dapat para sa numero ng Social Security, dapat kang gumamit ng isang indibidwal na numerong pantukoy sa nagbabayad ng buwis (sa Ingles), o ITIN. Ibinibigay lamang ang mga ITIN para sa pederal na pagpa-file at pag-uulat ng buwis.

Ang ITIN ay hindi:

Paano Mag-file

Elektronikong Pagpa-file

Ang elektronikong pagpa-file – o e-filing – ay kapag gumamit ka ng software para sa paghahanda ng buwis upang ipadala ang iyong income tax return sa IRS sa pamamagitan ng internet.

Kung nag-e-file ka ng iyong tax return, kadalasan mong matatanggap ang iyong tax refund sa loob ng 3 linggo mula sa petsang natanggap ang iyong – mas mabilis kung pipiliin mong ipadeposito ang iyong refund sa iyong account sa bangko. Mayroon kaming ilang mga opsyon sa pag-e-file (sa Ingles), kabilang ang Free File.

Free File

Sa Libreng Pag-file (sa Ingles), makakapaghanda at makakapag-file ka ng iyong pederal na income tax return nang libre gamit ang software sa paghahanda at pag-file ng buwis.

Mga Espesyal na Nagbabayad ng Buwis

Mga militar at beterano

Ang mga miyembro at beterano ng Sandatahang Lakas ng U.S. ay may mga espesyal na sitwasyon at benepisyo pagdating sa buwis – kabilang ang pag-access sa MilTax, isang program na karaniwang nagkakaloob ng libreng paghahanda at pag-file ng tax return. Nagkakaloob kami ng impormasyon sa buwis para sa mga miyembro ng militar (sa Ingles) upang tulungan kang maunawaan kung paano ang mga probisyong ito ay nakakaapekto sa iyo at sa iyong mga buwis, ikaw man ay active duty, reserve, o beterano.

Mga Nagbabayad ng Buwis na Nasa Ibang Bansa

Ang iyong mga obligasyon sa buwis bilang isang indibidwal na nagbabayad ng buwis na nasa ibang bansa (sa Ingles) ay nakadepende sa kung ikaw ay isang mamamayan ng U.S., isang residenteng dayuhan (sa Ingles), o hindi residenteng dayuhan (sa Ingles).

Kung ikaw ay isang mamamayan ng U.S. o residenteng dayuhan, ang iyong kita sa ibang panig ng mundo ay napapasailalim sa buwis sa kita ng U.S., saan ka man naninirahan.

Ang mga hindi residenteng dayuhan ay binubuwisan lamang sa kanilang kita mula sa pinagmumulang nasa loob ng Estados Unidos at sa ilang kitang konektado sa pagsasagawa ng kalakal o negosyo sa Estados Unidos.

Pag-file para sa Iyong Negosyo

Ang Kailangan Mo Para Mag-file

Numerong Pantukoy ng Employer

Karamihan sa mga negosyo – at lahat ng empleyado – ay kailangan ang isang Numerong Pantukoy ng Employer (sa Ingles), o EIN, upang makapag-file ng mga buwis. Maaari lang mag-apply para sa EIN (sa Ingles) online at agad na makuha ang iyong numero.

Mga Buwis sa Negosyo

Sa istraktura ng iyong negosyo (sa Ingles) malalaman kung anu-anong mga buwis sa negosyo (sa Ingles) ang dapat mong bayaran at kung paano babayaran ang mga ito.

Tandaan, dapat mong bayaran ang iyong mga buwis sa iyong kita sa pamamagitan ng mga regular na estimated tax payments (sa Ingles) sa loob ng taong bubuwisan.

Buwis sa Kita ng Negosyo

Ang lahat ng negosyo, maliban sa mga sosyohan, ay dapat mag-file ng taunang income tax return. Ang mga sosyohan ay nagpa-file ng information return.

Alinmang anyo ang ginagamit mo ay nakadepende sa kung paano nai-organisa ang iyong negosyo. Sumangguni sa Mga Istraktura ng Negosyo (sa Ingles) upang malaman kung aling anyo ang dapat mong i-file batay sa entidad ng negosyong iyong itinatag.

Mga Buwis sa Trabaho

Kung mayroon kang mga empleyado, kakailanganin mong magbayad ng mga buwis sa trabaho (sa Ingles). Kabilang sa mga Buwis sa Trabaho ang:

  • Mga buwis sa Social Security at Medicare

  • Pederal na income tax withholding

  • Pederal na buwis sa pagkawala ng trabaho

Mga buwis sa mamimili

Maaari mong kailanganing magbayad ng buwis sa mamimili (sa Ingles) kung ang iyong negosyo ay:

  • Nagmamanupaktura o nagbebenta ng mga partikular na produkto

  • Nagpapatakbo ng mga partikular na uri ng mga negosyo

  • Gumagamit ng iba't ibang uri ng kagamitan, pasilidad, o produkto

  • Tumatanggap ng kabayaran para sa mga partikular na serbisyo

Mga Internasyonal na Negosyo

Ang mga negosyo ng dayuhang may mga aktibidad sa U.S., o mga negosyo sa loob ng bansa na may mga aktibidad sa labas ng U.S., ay dapat tugunan ang mga iniaatas para sa mga internasyonal na negosyo (sa Ingles).

Paghingi ng Tulong sa Paghahanda ng Iyong Tax Return

Libreng Tulong sa Buwis para sa mga Kuwalipikadong Nagbabayad ng Buwis

Mayroong libreng tulong sa buwis na personal na matatanggap sa mahigit 10,000 tanggapan sa buong bansa sa pamamagitan ng programa ng boluntaryong paghahanda ng buwis (sa Ingles) na sertipikado ng IRS. Maaari ka ring makakuha ng tulong online sa pamamagitan ng Libreng Pag-file sa IRS (sa Ingles).

Boluntaryong Tulong sa Buwis sa Kita

Ang programa ng Boluntaryong Tulong sa Buwis sa Kita (Volunteer Income Tax Assistance, VITA) ay nagkakaloob ng mga libreng pangunahing paghahanda para sa income tax return upang tulungan ang mga taong may:

  • Mga mababa hanggang katamtamang kita

  • Mga kapansanan

  • Limitadong Kahusayan sa Ingles

Pagpapayo sa Buwis para sa Matatanda

Ang programang Pagpapayo sa Buwis para sa Matatanda (Tax Counseling for the Elderly, TCE) ay nagkakaloob ng libreng tulong sa buwis, partikular na sa mga nasa edad na 60 taong gulang at pataas. Nakatuon ang TCE sa mga katanungang tungkol sa mga suliraning may kaugnayan sa mga pensyon at pagreretiro na nararanasan lamang ng mga matatanda.

Kumuha ng Propesyonal sa Buwis

Kung kailangan mo ng isang taong maghahanda ng iyong tax return, maaari ka ring pumili ng propesyonal sa buwis (sa Ingles).

Ito ay isang mahalagang desisyon. Ipinagkakatiwala mo sa iyong propesyonal sa buwis ang pinakapersonal mong impormasyon. Alam nila ang tungkol sa iyong katayuan ng pagiging may-asawa, ang iyong kita, ang mga numero ng iyong Social Security at ang mga detalye ng iyong buhay pinansyal.

Karamihan sa mga propesyonal sa buwis ay nagkakaloob ng pinakamahusay na serbisyo. Ngunit posibleng makapili ng maling taong maghahanda ng iyong return. Siguraduhing tingnan ang aming mga tips sa pagpili ng tagapaghanda para sa buwis (sa Ingles).

Mga Refund

Direct Deposit

Kung dapat mo nang matanggap ang refund sa perang ibinayad mo sa iyong mga buwis, piliin ang direktang pagdedeposito (sa Ingles) kapag ikaw ay nag-file. Ito ang pinakamabilis na paraan upang makuha mo ang iyong refund sa buwis. Ito ay libre, at ito ay ligtas.

Maaari mong direktang ipadeposito ang iyong refund sa hanggang sa tatlong account sa bangko. Kapag direktang deposito ang gagamitin mo, walang panganib na manakaw o mawala ang iyong papel na tseke.

Subaybayan ang Iyong Refund

Ang Nasaan ang aking Refund? (sa Ingles) ay isang online tool na makakasubaybay sa iyong refund sa buwis. Upang magamit ang tool na ito, kakailanganin mo ang numero ng iyong Social Security o ITIN, ang iyong katayuan sa pag-file at ang eksaktong halaga ng iyong refund.

Inilalabas namin ang karamihan sa mga refuind nang wala pang 21 araw. Dapat ka lamang tumawag sa amin kung:

  • Nag-e-file ka ng iyong tax return ng mahigit 21 araw ang nakakaraan

  • Ipinadala mo ang iyong papel na return ng mahigit 6 na linggo ang nakakaraan

  • Nagbigay sa iyo ng tagubilin ang tool na Nasaan ang Aking Refund? na makipag-ugnay sa IRS

Mga Opsyon sa Pagbabayad

Maaari mong bayaran ang iyong buwis online, sa pamamagitan ng telepono o sa iyong mobile na device gamit ang app na IRS2Go app (sa Ingles). Bumisita sa aming pahinang Mga Kabayaran (sa Ingles) upang madagdagan ang kaalaman.

Paghingi ng Tulong sa IRS

Mga Scam sa Buwis

Sinusubukan ng mga scammer na kunin ang iyong pera o ang iyong personal na impormasyon. Manatiling alerto at iwasan ang malinlang ng isang scam sa buwis (sa Ingles).

Ang IRS ay hinding hindi:

  • Makikipag-ugnay sa iyo sa pamamagitan ng email, mensaheng teksto o social media upang hingin ang iyong personal o pinansyal na impormasyon.

  • Tatawag upang hingin ang agarang pagbabayad. Karaniwang ipapadala muna sa iyo ng IRS ang singil kung may utang kang mga buwis.

  • Hihiling na gumamit ka ng partikular na paraan sa pagbabayad gaya ng prepaid na debit card, gift card o wire transfer.

  • Mananakot na magdadala ng pulis o iba pang tagapagpatupad ng batas upang ipaaresto ka dahil sa hindi pagbabayad.

  • Mananakot na kukunin ang iyong lisensya sa pagmamaneho, mga lisensya ng negosyo, o katayuang pang-imigrasyon. Ang mga pananakot na kagaya nito ay ang pinakakaraniwang taktikang ginagamit ng mga manloloko upang linlangin ang mga biktima.

  • Hihiling na magbayad ka nang hindi ka binibigyan ng pagkakataong kuwestyunin o iapela ang halagang pagkakautang mo.

  • Tatawag upang ipaalam sa iyong makakakuha ka ng refund sa buwis na hindi mo inaasahan.

Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan

Nangyayari ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan na nauugnay sa buwis kapag may nagnakaw ng iyong personal na impormasyon – gaya ng numero ng iyong Social Security o ITIN – upang mag-file ng return ng buwis at kumuha ng hindi mapandarayang refund.

Alamin ang mga palatandaan ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan (sa Ingles) at gumawa ng agarang aksyon kung ikaw ay isang biktima upang maprotektahan ang iyong data at pagkakakilanlan.

Tulong sa Sakuna

Kapag mayroong sakinang idineklara ng pederal na gobyernonagkakaloob kami ng ayuda sa sakuna at tulong na pang-emerhensya (sa Ingles) upang tulungan ang mga indibidwal at negosyong makabangon sa pinansyal na paraan.

Nagkakaloob din kami ng mga tips sa kung paano maghanda sa panahon ng sakuna (sa Ingles) nang sa gayon ay maprotektahan mo ang iyong sarili, ang iyong pamilya at ang iyong negosyo.

Serbisyo ng Tagapagtaguyod para sa Nagbabayad ng Buwis

Ang Serbisyo ng Tagapagtaguyod para sa Nagbabayad ng Buwis (Taxpayer Advocate Service, TAS) ay isang independiyenteng organisasyon sa loob ng IRS na tumutulong sa mga nagbabayad ng buwis at pinoprotektahan ang mga karapatan ng nagbabayad ng buwis. Nagkakaloob ng tulong ang TAS kung:

  • Ang iyong problema sa buwis ay nagdudulot ng kahirapang pinansyal

  • Sinubukan mo, ngunit hindi nagawang malutas ang iyong problema sa IRS, o

  • Naniniwala kang hindi gumagana ang sistema, proseso, o pamamaraan ng IRS sa paraang nararapat.

Kung kuwalipikado ka sa tulong ng TAS, na laging libre, gagawin nila ang lahat ng posible upang matulungan ka.

Bumisita sa Serbisyo ng Tagapagtaguyod para sa Nagbabayad ng Buwis (sa Ingles) online o tumawag sa 877-777-4778.

Tanggapan para sa Nagbabayad ng Buwis na may Mababang Kita

Ang mga Tanggapan para sa Nagbabayad ng Buwis na may Mababang Kita (Low Income Taxpayer Clinics, mga LITC) ay independiyente mula sa IRS at TAS. Kumakatawan ang mga LITC sa mga indibidwal na ang kita ay mababa sa partikular na antas at nangangailangang lutasin ang mga problema sa buwis sa IRS.

Maaaring kumatawan sa mga nagbabayad ng buwis ang mga LITC sa:

  • Mga pag-oodit,

  • Mga apela, at

  • Mga pagsalungat sa pagkolekta ng buwis sa harap ng IRS at sa korte.

Kung Ingles ang iyong pangalawang wika, makakapagbigay ang mga LITC ng impormasyon tungkol sa mga karapatan at responsibilidad ng nagbabayad ng buwis sa iba't ibang wika.

Ipinagkakaloob ang mga serbisyo ng LITC nang libre o sa maliit na singil.

Para sa karagdagang impormasyon o upang mahanap ang LITC na malapit sa iyo, bumisita sa Mga Tanggapan para sa Nagbabayad ng Buws na may Mababang Kita (sa Ingles) o i-download ang Publikasyon ng IRS 4134, Listahan ng mga Tanggapan para sa Nagbabayad ng Buws na may Mababang Kita (sa Ingles) PDF. Maaari ka ring makakuha ng kopya ng publikasyong ito sa pamamagitan ng pagtawag sa IRS nang libre sa 800-829-3676.

Ang Iyong Impormasyon sa Buwis

Tingnan ang iyong Account sa Buwis

Ang iyong Account sa IRS (sa Ingles) ay nagbibigay sa iyo ng ligtas na pag-access sa impormasyon tungkol sa iyong pederal na account ng buwis. Gamitin ang iyong Account upang ma-access ang iyong mga rekord ng buwis online, pag-aralan ang kasaysayan ng iyong pagbabayad, at tingnan ang impormasyon mula sa tax return sa kasalukuyang taon gaya ng iyong orihinal na pag-file.

Kumuha ng Kopya ng Iyong mga Buwis

Kung kailangan mo ng kopya ng impormasyon ng iyong orihinal na tax return, gamitin ang Kumuha ng Kopya (sa Ingles). Ipapakita sa iyong kopya ang karamihan sa mga aytem sa iyong tax return. Kung kailangan mo ang iyong AGI – o isaayos ang iyong kabuuang kita – upang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan sa IRS, maaari mong mahanap ito sa iyong kopya.

Mga Sagot sa Iyong mga Tanong Tungkol sa Buwis

Mga Paksa Tungkol sa Buwis

Nagpapanatili kami ng listahan ng Mga Paksa Tungkol sa Buwis (sa Ingles) na nagkakaloob ng pangkalahatang impormasyon sa buwis para sa mga negosyo at mga indibidwal. Makukuha ang mga Paksa Tungkol sa Buwis sa mga wikang Espanyol, Tsino (tradisyonal), Koreano, Ruso at Vietnamese.

Interactive na Tumutulong sa Buwis

Ang aming Interactive na Tumutulong sa Buwis (sa Ingles) ay isang online tool na sasagot sa iyong mga katanungan tungkol sa batas sa buwis. Saklaw nito ang iba't ibang paksa, kabilang ang:

  • Anong kita ang binubuwisan

  • Kung kwalipikado ka sa mga partikular na kredito sa buwis

  • Paano malalaman ang iyong katayuan sa pag-file ng buwis

  • Sino ang maaari mong i-claim bulang dumedepende sa iyo sa iyong tax return

Tumutulong sa Nakuhang Kredito mula sa Buwis sa Kita

Kung nagtrabaho ka noong nakaraang taon ngunit mababa o katamtaman ang kinita, maaari kang maging kuwalipikado para sa Nakuhang Kredito mula sa Buwis sa Kita (sa Ingles). Sa kredito sa buwis na ito, maaari mo pa ring makuha ang refund kahit na wala kang anumang pagkakautang na buwis.

Gamitin ang Tumutulong na tool ng EITC (sa Ingles) upang malaman kung kuwalipikado ka.

Mga Serbisyo sa Pagsasalin sa Wika

Kung hindi mo mahanap ang mga sagot sa iyong mga katanungan tungkol sa buwis sa IRS.gov, maaari kaming magkaloob ng tulong sa mahigit 350 wika nang may suporta ng mga propesyonal na tagasalin sa wika. Para sa tulong sa Espanyol, tumawag sa 800-829-1040. Para sa lahat ng iba pang wika, tumawag sa 833-553-9895. Makakaugnayan mo ang isang tumutulong sa mga Serbisyo ng Rentas Internas (IRS) na maaaring: